
May basbas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtulong ng Department of Justice (DOJ) sa mga witness na tetestigo sa International Criminal Court (ICC) sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire, ito naman aniya ang nais ni Pangulong Marcos para mabigyan ng hustisya ang dapat mabigyan ng hustisya.
Ito naman talaga aniya ang dapat na gawin sa mga nais tumestigo sa kahit na ano pa mang kaso ay dapat lang itong tulungan.
Gayunpaman, nilinaw ng Palasyo na ang pagbibigay ng tulong sa witnesses ay hindi ibig sabihin ng direktang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa ICC.
Giit ni Castro, hindi pa rin makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC dahil ang pinproteksyunan dito ay ang kapwa Pilipino na siyang biktima ng war on drugs.









