*Cauayan City, Isabela- *Isinuhestiyon ni ginoong Edgar Pambid, ang pinuno ng OFW Bagong Bayani Isabela sa OWWA Region II na makipagtulungan ang pamunuan ng Public Employment Service Office o PESO Isabela maging sa mga LGU’s sa pamimigay ng mga application forms sa mga claimants para sa kanilang pagkuha ng calamity assistance.
Aniya, hindi umano kakayanin ng OWWA Isabela na harapin lahat ang mga dumadagsang pumipila para sa kanilang application forms dahil lima lamang umano ang mga personnels ng OWWA Isabela na umaasikaso sa mga dokumento ng mga claimants.
Dahil dito ay nakipag-usap umano si ginoong Pambid sa pamunuan ng OWWA Region II na hikayatin ang PESO Office maging sa mga LGU’s upang tumulong sa pamimigay ng mga application forms sa mga benipisyaryo ng Calamity Assistance ng OWWA.
Marami na rin kasi umanong natanggap na komento ang pamunuan ng OWWA dahil sa siksikan at dami ng mga pumipila na hindi kayang asikasuhin lahat ng kanilang tanggapan.
Nilinaw pa ni ginoong Pambid na makakatanggap pa rin ng tatlong libong piso ang lahat ng mga active na OFW habang ang mga inactive na OFW naman ay makakatanggap ng tig- isang libo at limang daang piso.