Pagtulong sa mga biktima ng nasunog na MV Mary Joy 3 sa Basilan, tinututukan na sa Kamara

Nagpahayag ng pakikiramay si Deputy Minority Leader at Basilan Representative Mujiv Hataman sa pamilya ng mga nasawi sa pagkasunog ng MV Mary Joy 3 sa karagatang sakop ng Basilan.

Nakapagpaabot na ang tanggapan ni Hataman ng tulong pinansyal na P3,000 sa 68 na survivor ng trahedya at sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nabigyan pa ng karagdagang P2,000 ang bawat biktima.

Ayon kay Hataman, sa ngayon ay inaalam pa nila mula sa mga kinauukulang ahensya tulad ng DSWD at mga lokal na pamahalaan sa Basilan kung anong tulong ang maaari pang ibigay sa mga biktima ng trahedya.


Bukod dito ay nakikipag-usap na rin si Hataman sa mga awtoridad at mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang siyasatin kung ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang ganitong klaseng aksidente.

Facebook Comments