Tiniyak ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang suporta at tuloy-tuloy na pagtulong nito sa mga maliliit na negosyante o ang mga kabilang sa Micro, Small, Medium and Enterprises.
Sinabi ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten na tuloy-tuloy pa rin ang suporta ng ahensya sa mga maliliit na Negosyo kung sinabi pa ng opisyal na mayroong programang shared service facility ang ahensya upang bigyan ng iba’t ibang klase ng tulong ang mga benepisyaryo partikular na sa mga kabilang sa MSMEs sa lalawigan.
Sa programang ito mabibigyan ang mga MSMEs o mga cooperator ng mga angkop na kagamitan at mga facilities na hindi kayang bilhin ng naturang maliit na negosyante sa kadahilanang mahal ang mga kagamitang ito.
Ipinaliwanag din ng direktor ang Shared service facility kung saan makikibahagi ang mga MSMEs sa mga tulong na ibibigay sa mga ito.
Samantala, sa datos ngayon ng ahensya, nangunguna aniya ang negosyong may kaugnayan sa pagkain dahil sa panahon ngayon mas talamak ang mga pagkain dahil na rin sa kagustuhan ng mga konsyumer.
Mas dumarami rin aniya ang mga konsyumer na mas tinatangkilik ang mga bilihing pagkain dahil dahil na rin sa muling pagbubukas ng mas maluwag na restrictions kontra COVID-19. |ifmnews
Facebook Comments