Pagtulong sa mga manggagawang maaapektuhan ng Manila Bay rehab, tiniyak

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kahapon, dalawang establisyimento sa bahagi ng Roxas Boulevard ang nasampolan ng DENR dahil sa paglabag sa Clean Water Act at waste water facility treatment.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na nakikipag-usap na sila sa DOLE para tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang maaapektuhan ng pagpapasara nila sa mga establisyimento.


Sa ngayon, hinihintay na lang ng DENR ang aksyon ng Local Government Unit (LGU) para tuluyang suspendihin ang lisensya ng Aristocrat Restaurant at Gloria Maris Restaurant.

Sunod na target ng ahensya ang hile-hilerang mga establisyimento sa isang kilalang mall sa Pasay na nasa gilid din ng Manila Bay.

Kahapon nang pormal na simulan ng DENR at ibang mga ahensya ng gobyerno ang rehabilitasyon sa Manila Bay na sinabayan din ng simultaneous clean-up efforts ng mga LGU ng Cavite at Bataan.

Facebook Comments