Kasunod ng mahigpit na pagbabawal ng pamahalaan sa mga illegal POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) workers na manatili sa bansa.
Tiniyak naman ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry o FFCCCII na nakahanda pa rin ang kanilang grupo na tumulong sa mga maaaring maapektuhan.
Sinabi ni Dr. Fernando Gan ang Secretary General ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na wala pa namang naiulat na may lumapit sa kanilang POGO Chinese workers na apektado ng crackdown .
Gayunpaman, aniya ay nakahanda naman ang kanilang grupo na tumulong sa kahit hindi POGO workers.
Paliwanag ni Gan sa ngayon ang FFCCCII ay may mahigit na 170 na miyembro ng institutional local at Filipino-Chinese Chambers na aktibong kumikilos sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Nitong nakalipas aniya na Bagyong Paeng ay umabot ng 16,000 relief packages o katumbas na ₱6-M ang nabigyan ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa bukod pa sa kanilang mga medical mission sa mga malalayong lugar.