Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalatayang Katoliko na iwasan muna ang pagdaraos ng magarbong Christmas parties.
Ayon kay CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, sa halip ay ilaan na lamang muna ang mga gagamiting pera sa pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Samantala, una nang idineklara ng CBCP ang araw ng Pasko, Disyembre 25 at Disyembre 26 bilang National Days of Prayer para sa mga biktima ng bagyo.
Dito ay magkakaroon ng second collection sa mga idaraos na misa upang makalikom ng pondo para sa relief operations ng Simbahang Katolika.
Sa kasalukuyan, nasa higit ₱5 milyon na ang inilabas ng social action arm ng simbahan para sa mga diocese na apektado ng bagyo.
Facebook Comments