Pagtulong sa mga Pilipino, walang pinipiling kulay – VP Leni Robredo

“Walang kulay sa pagtulong sa mga Pilipino”, ito ang paninidigan ni Vice President Leni Robredo sa isang rally na inorganisa ng kaniyang mga tagasuporta mula CAMANAVA o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela nitong Sabado.

Diin ni VP Leni, sa pag-aabot ng tulong sa mga komunidad ay hindi niya tinitingnan ang mga lugar kung tinulungan man siya nito o hindi noong eleksyon.

Katunayan, natalo sa CAMANAVA noong eleksyon noong 2016 si VP Leni pero masigasig na tinulungan ng Office of the Vice President ang mga taga-rito, lalo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.


Ilan sa mga ito ang pagpapadala ng mga PPE sa mga ospital sa CAMANAVA at pagpapatayo ng mga community learning hubs at community kitchens.

Tinulungan din ni VP Leni na makaahon ang kabuhayan ng mga mananahi sa CAMANAVA nang kunin ito ng OVP sa paggawa ng locally produced PPEs para sa frontliners.

At dahil naramdaman nila ang sinseridad ni VP Leni sa paglilingkod sa bayan, ang sigaw ng mga taga CAMANAVA ay “babawi kami!”

Facebook Comments