Pagtulong sa mga stranded na pasahero, tiniyak ng pamunuan ng PPA

Sinisiguro ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagkakaloob ng tulong sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Sa harap na rin ito ng patuloy na epekto ng Bagyong Egay na nagresulta sa pagkaka-stranded ng halos 10,000 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sa utos ni PPA General Manager Jay Santiago, ipinasisiguro niya na may maayos na masisilungan ang mga naghihintay na pasahero.


Napag-alaman ng PPA na aabutin ng July 28 hanggang August 7 ang paghihintay sa biyahe ng mga apektadong pasahero sa Manila North Port Passenger Terminal at sa iba pang pantalan na daraanan ng bagyo.

Kabilang sa ayuda na ipagkakaloob ng ahensiya ay libreng lugaw, free charging station, libreng inuming tubig, at malinis ma palikuran.

Bukod dito, pinapayuhan ng PPA ang ibang mga stranded na pasahero sa iba pang pantalan na manatiling ligtas at tumutok sa mga anunsiyo hinggil sa Super Typhoon Egay.

Facebook Comments