Pagtulong sa MSMEs, solusyon sa unemployment ayon sa isang mambabatas

Ipinapa-prayoridad sa pamahalaan ang pagtulong sa mga maliliit na negosyo kung nais nitong maagapan ang lalo pang paglobo ng unemployment dulot ng COVID-19 crisis.

Naniniwala si Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera na bagamat ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang isa sa pinaka-apektado ng pandemya, ito rin ang makakaresolba sa kawalan ng trabaho dahil sa napatunayan nang paglago ng sektor na ito at paglikha ng maraming trabaho.

Kailangan lang na alalayan ang MSMEs para bumalik ang sigla nito at mailigtas ang milyong trabaho.


Sabi pa ng kongresista, walang dudang malaki ang kontribusyon ng MSMEs sa ekonomiya dahil nasa kanila ang 63% ng kabuuang workforce sa bansa.

Nakapaloob sa P1.3-trillion stimulus package na tinawag na Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy o ARISE Bill ang P50-billion loan program at P10-billion na financial assistance sa MSME sector.

Facebook Comments