Lubos na ikinatuwa ng mga magulang at magaaral ang pagbawi ng DepEd sa kanilang utos na tanging Senior High School lamang ang may graduation ceremony.
Ayon kay Vicky Mesina, masayang masaya siya at excited dahil makikita niyang naka suot ng graduation toga ang Grade 6 student niyang anak na babae.
Minsan lang aniya ito sa buhay ng isa tao kung saan hindi masusukat ang kaligayahang dulot para sa mag-aaral lalo na sa magulang na nagsumikap para mapatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Sa katunayan kahit kayod kalabaw sa ibang bansa ang mga OFW naglalaan sila ng panahon para makauwi sa Pilipinas Sa pagtatapos ng mga mag-aaral, Mararamdaman ang pagmamahal, pagsusumikap , saya, lungkot at pagsubok na nalagpasan kung saan ito ay kay sarap balikbalikan habang tayo ay nabubuhay