Pagtumba ng mga poste ng kuryente sa Binondo, dapat imbestigahang mabuti

Nakikipag-ugnayan na si Manila 3rd District Representative Joel Chua sa mga barangay sa Binondo para sa imbestigasyon ukol sa pagtumba ng ilang kongkretong poste ng kuryente sa Binondo, Maynila.

Sa insidente ay ilang sasakyan ang nabagsakan at nasira, may mga nasaktan, nagdulot din ito ng matinding problema sa trapiko at naging sanhi ng utilities service interruptions sa ilang bahagi ng Binondo.

Pinapa-review rin ni Chua ang CCTV recordings upang makita kung ano ang naging sanhi ng pagtumba o pagbagsak ng nabanggit na mga poste.


Sa tingin ni Chua, maaring isa sa mga sanhi ng trahedya ang sala salabat na kable na nakakabit sa naturang mga poste.

Kaya naman hiniling din in Chua sa mga engineers na magsagawa ng scientific and technical incident analysis at pag-aralan kung maaring ibaon ang mga kable.

Ayon kay Chua, bukod sa mas ligtas ay makakatulong din ito para maisulong ang historical and tourism communities sa Binondo at Quiapo.

Facebook Comments