Pagtungo ng mga estudyante sa mga computer shops, papayagan ng PNP

Hindi bawal ang pagtungo ng mga estudyante sa mga computer shops basta’t may kaugnayan ito sa online classes.

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan sa harap na rin ng pagsisimula ng online classes ngayong araw sa mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa.

Bukod dito, dapat din aniyang sumusunod sa health safety protocols ang computer shops para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.


Una nang pinaigting ng PNP ang police visibility sa mga tambayan sa mga barangay para sitahin ang mga maiingay upang matiyak na hindi maiistorbo ang mga online learners.

Facebook Comments