Pagtungo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Singapore nitong weekend para manood ng F1 Grand Prix, naging makabuluhan ayon sa Malacañang

Tumungo sa Singapore nitong weekend si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para manood ng F1 Grand Prix.

Ang Singapore Grand Prix ay isang motor racing event na binuo bilang bahagi ng Formula One World Championship na nakansela ng dalawang taon dahil sa COVID-19.

Ito ay ginawa ngayong taon sa Manila Bay Street Circuit sa Singapore bilang first street circuit sa Asya na designed para sa Formula One races.


Sa official Facebook page ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi nitong naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ng pangulo.

Pinagpatibay raw kasi ng Pangulo ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa Singapore at pinagpatuloy ang paghihikayat sa pag-invest sa Pilipinas.

Sa post ni Angeles, makikita ang mensahe ni Tan See Leng, ang Minister for Manpower of Singapore, kung saan isa sa pinasalamatan nito si Pangulong Marcos kasama ang iba’t ibang head of states, ministers at foreign dignitaries dahil sa pagtungo sa Grand Prix.

Sa mensahe ni Tan See Leng, mas napalakas daw ang bilateral economic relationship at napalakas din ang collaboration patungkol sa energy cooperation at maging palitan ng manpower policies na naging sidelines ng motor racing.

Nagpasalamat din si Tan See Leng sa tulong sa paglaban nila sa COVID-19 pandemic nitong nakalipas na dalawang taon.

Facebook Comments