Pagtunton sa mga nakasalamuha ni Mayor Joy Belmonte, sinimulan na

Inumpisahan na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) ang pagtunton sa lahat ng nakahalubilo ni Mayor Joy Belmonte sa nakalipas na ilang araw.

Ayon QCESU Head Dr. Rolly Cruz, dalawang mga empleyado at iba pang mga personnel na nasa 3rd at 4th floors ng City Hall ang nakatakdang sumailalim sa swab testing.

Kasama rin aniya sa sasailalim sa COVID-19 test ang mga naging bisita ng lady mayor.


Ayon kay Dr. Cruz, sa loob ng tatlong araw ay lalabas na ang resulta ng pagsusuri.

Kasabay nito ay inumpisahan na ang malawakang disinfection sa iba’t ibang bahagi ng City Hall lalo na sa palapag kung saan nag-o-opisina ang alkalde.

Nauna nang kinumpirma ni Mayor Belmonte na nagpositibo siya sa Coronavirus.

Pero nilinaw nito na malakas siya at tuloy pa rin siya sa trabaho habang naka-quarantine.

Facebook Comments