PAGTURING NG ILAN SA MENTAL HEALTH PROBLEMS BILANG "WEAKNESS", MARIING KINONDENA NG ILANG MENTAL HEALTH PROFESSIONALS

Mariing kinokondena ng ilang mental health professionals ang pagturing ng ilan sa mga mental health problems bilang isang “weakness” o kahinaan, lalo na kung mga kabataan ang nakararanas nito.

Batay sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS) noong 2021, isa sa bawat limang Pilipino na nasa edad 15 hanggang 24 years old ang nakaisip na wakasan ang sarili nilang buhay kahit minsan.

Ayon kay Dr. Nhorly Domenden, Founder/Director ng Wundt Psychological Institute, hindi umano dapat itinuturing na kahinaan ng isang indibidwal ang pagkakaroon nito ng mental health problem tulad ng anxiety at depression dahil ito ay seryosong kondisyon na nangangailangan ng nararapat na konsultasyon at treatment.

Mainam rin umano na huwag basta-basta magsasabi ng mga salitang hindi naman makatutulong sa taong nakararanas nito, bagkus ay dapat na unawain ito upang mas maging malawak at bukas ang mas marami pagdating sa usapin ng mental health problems.

Dagdag pa rito, malaking bagay rin ang tulong ng pamilya na mas unang nakakakita sa kilos at pang araw-araw na ginagawa ng bawat miyembro sa loob ng bahay.

Ayon sa mga eksperto, maayos at malinaw ng komunikasyon ang isa sa nakikitang magandang umpisa upang matulungan ang mga taong nakararanas ng anxiety at depression.

Facebook Comments