Pagturing ng Pangulo sa konstitusyon bilang isang ‘toilet paper,’ ikinaalarma ni VP Robredo

Nababahala si Vice President Leni Robredo sa pagturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang “toilet paper” ang 1987 Constitution.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang saligtang batas ang “bibliya” ng gobyerno at hindi dapat ito isinasantabi.

Binigyang diin pa ni Robredo na silang dalawa ni Pangulong Duterte ay tagapaglingkod ng mga Pilipino at may mandatong itaguyod ang konstitusyon.


Dapat gawing halimbawa rin aniya ang Vietnam at Indonesia na mahigpit na binabantayan ang kanilang teritoryo laban sa mga Chinese na ilegal na nangingisda na walang pinuputol na trade relations sa China.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi niya pwedeng pwersahin ang China na kilalanin ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Tinawag ng Pangulo ang probisyon sa konstitusyon na “thoughtless” at senseless.”

Nakasaad sa Article 12 ng konstitusyon, partikular sa National Economy and Patrimony Sections, dapat protektahan ng estado ang yamang dagat nito, territorial sea at Exclusive Economic Zones (EEZ).

Facebook Comments