Pagturing ni Pangulong Duterte sa 2016 Arbitral Ruling bilang basura, nagpapakita lamang ng pagkatig sa China ayon kay VP Robredo

Lumalabas lamang na pinapanigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China matapos niyang sabihin na “scrap of paper” lamang ang 2016 Ruling ng The Hague Permanent Court of Arbitration.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na tila sinusuko na ng Pangulo ang soberenya ng Pilipinas batay na rin sa mga hulin niyang pahayag.

Binigyang diin ni Robredo na nakapaseryoso ng mga sinabi ng Pangulo at nakasalalay dito ang soberenya ng bansa.


Hindi maaaring balewalain ang 2016 Arbitral Ruling dahil malaking panalo ito laban sa mga umookupa sa teritoryo ng bansa.

Dagdag pa ni Robredo na na ang isyu sa soberenya at lagpas na sa isyu ng politika.

Facebook Comments