Pagturing sa “honesty” bilang election issue, depende sa sitwasyon – PRRD

Pumagitna lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong na kung ikukunsiderang election issue ang honesty o katapatan.

Sa ambush interview, sinabi ng Pangulo na ang pagiging ‘honest’ ay depende sa sitwasyon lalo na kung magdudulot lamang ito ng gulo.

Aniya, may mga bagay na hindi na dapat bigyan ng sagot habang may ibang bagay naman na maaaring tugunan ng tama.


Ito ang pahayag ng Pangulo matapos sabihin ng kanyang anak na si Davao City Mayor, Hugpong ng Pagbabago campaign manager Sara Duterte-Carpio na hindi na dapat gawing isyu ang pagiging tapat ng isang kandidato lalo na kung lahat naman ay nagsisinungaling.

Facebook Comments