Dumipensa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos lumabas sa isang pag-aaral na ang Pasig River ang “pinaka-maduming ilog” sa buong mundo.
Ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda, hindi katanggap-tanggap ang naging method ng pag-aaral gayundin ang mga datos na pinagbasehan.
Aniya, bigo ang international scientists na ipakita ang tunay na sitwasyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ng DENR.
Hindi aniya patas na ang pinagbasehan lang ng mga nag-aral ay ang geographical data at bilang ng mga nakatirang informal settlers malapit sa ilog.
Giit pa ni Antiporda, hindi nagkulang ang DENR sa pagtugon sa problema ng mga basura sa dagat.
Simula 2019, pinalakas na aniya ng DENR ang kampanya nito para maprotektahan ang mga ilog.
Batay sa ginawang pag-aaral ng Netherlands-based organization na Ocean Cleanup, lumabas na 80% ng plastic pollution sa karagatan ang galing sa Pilipinas.
Bukod sa Pasig River, 18 na iba pang ilog sa bansa ang kasali sa kanilang listahan ng “top 50 polluting rivers in the world.”