Natapos na ang tatlong araw na “Global Health engagement” na pagsasanay ng Philippine Air Force (PAF) at US Pacific Air Forces (PACAF) na bahagi ng Balikatan Exercise.
Kasali sa “virtual” na pagsasanay ang mga medical expert ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang kanilang US counterparts.
Napag-usapan dito ang iba’t ibang pamamaraan ng AFP at US military para magampanan ang kanilang misyon sa gitna sa COVID-19 pandemic.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na maibahagi ang kanilang “expertise” sa larangan ng medisina at “best practices” kontra sa COVID-19.
Sinabi ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, na siya ring Commander of AFP Education Training and Doctrine Command at Exercise Director of Balikatan 2021, ito ang unang pagkakataon na isinagawa “virtually” ang pagsasanay na ito dahil sa pandemya.
Aniya, nalimitahan ng pandemya ang ilang aspeto ng Balikatan exercise ngunit hindi nito naapektuhan ang samahan at pagkakaibigan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.