Pagturok ng AstraZeneca bilang second dose ng Sputnik V, wala pang rekomendasyon – DOH

Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) kung anong klaseng bakuna ang maaaring maiturok bilang second dose sa Sputnik V.

Taliwas ito sa pahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maaring tumanggap ng Astrazeneca vaccine ang mga nabakunahan ng 1st dose ng Sputnik V kung magkakaroon pa ng delay sa supply.

Ayon kay Vergeire, pinag-aaralan pa ang ulat dahil kailangang maintindihan na ang component 1 at component 2 ng Sputnik V ay magkaiba kahit pareho ito ng platforms.


Pinayuhan naman ni Vergeire ang publiko na hintayin na lamang ang second dose ng Sputnik V at isa lamang sa option ang binanggit ni Galvez.

Facebook Comments