Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang mga guro lalo na sa pampublikong paaralan ay hindi pinapahintulutang magturok ng COVID-19 vaccine.
Paliwanag ni Education Secretary Leonor Briones, mayroong mahigpit na protocols lalo na sa paggamit ng medisina.
Hindi isasabak sa medical procedures ang mga hindi trained medical personnel.
Dagdag pa ng kalihim, hindi kwalipikado ang mga guro para rito dahil sa pagtuturo sila sanay.
Pero sinabi ni Briones na malaki ang magiging papel ng mga guro sa information campaign para sa mga bakuna.
Mas nakatutok ang mga guro sa pagbibigay ng kaalaman hinggil sa mga bakuna.
Una nang binigyang klaro ng Department of Health (DOH) na tanging mga health professionals tulad ng mga doktor at nurse lamang ang may authority sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines.