Inihayag ni Dr. Alex Sta. Maria, Chief ng Mandaluyong City Health Office na matapos na ang pagbibigay ng unang dose ng Pfizer vaccine sa lungsod.
Aniya, mahigit 5,000 na mga indibiduwal ng lungsod na kabilang sa medical frontliners, senior citizens, at person with comorbidities ang mabakunahan ng unang dose ng Pfizer vaccine.
Ang natitira aniya na mahigit 5,000 dose ng Pfizer ay ilalaan naman para sa 2nd dose.
Sa ngayon aniya, nagpapatuloy ang bakunahan sa lungsod gamit ang natitirang Sinovac sa mga vaccination facility ng lungsod.
Sa Pedro P. Cruz Elementary School, Hulo Integrated School, Andres Bonifacio Integrated School, at Isaac Lopez Integrated School, ginagawa ngayon ang pagturok ng 2nd dose ng Sinovac sa mga senior citizen at person with comorbidities na nabakunahan ng 1st dose noong April 27.
Habang ang Mandaluyong Center Medical Center Mega Vaccination Site, La Salle Green Hills, at SM Megamall Mega Vaccination Site-Megatrade Hall 1-3, 1st dose ng Sinovac ang itinuturok ngayon sa senior citizens at person with comorbidities.