Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang pagprayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa kalagayan ng mga Filipino seafarers at kanilamg pamilya.
Diin ni Romualdez, patunay nito ang direktiba ni PBBM sa MARINA o Maritime Industry Authority na siguruhin na nakakasunod ang Pilipinas sa mga International Maritime at Seafarer Standards dahil tila tayo ang paborito ng mga foreign shipping companies na pagkunan ng kanilang mga tauhan sa barko.
Binanggit ni Romualdez na base sa datos ng pamahalaan nasa higit kalahating milyon na ang mga Filipino seafarers o one-fourth sa bilang ng lahat ng seaman sa buong mundo.
Dagdag pa ni Romualdez, kinikilala ng Marcos administration ang ambag ng ating mga seaman sa ekonomiya ng bansa.