Tiwala ang ilang kongresista na nasa tamang direksyon ang incoming Marcos administration sa gagawing pagtutok sa sektor ng turismo.
Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, maganda at welcome sa Kamara ang plano ni incoming Tourism Secretary Christina Frasco na palakasin ang ugnayan ng mga Local Government Units (LGUs) at ng private sector.
Aniya, ang matatag na partnership ng LGUs at private sector stakeholders sa sektor ng turismo ay makapagbibigay ng maayos na focus at kooperasyon.
Sinabi rin ng kongresista na bilang dating local executive, ang bagong kalihim ng Turismo ay makapagkakaloob ng ‘dynamism’ na kinakailangan para mapaigting hindi lamang ang pagtutulungan ng LGUs at pribadong sektor kundi pati ang public-private tourism partnerships sa local level.
Tiwala rin ang kongresista na tiyak na maipaprayoridad ang nasabing industriya at LGUs sa 2023 national budget partikular sa mga proyektong pang-turismo at pang-imprasktraktura.