Pagtutok sa COVID sa halip na insurgency, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na COVID ang pinakamatinding problem ng bansa ngayon hindi ang insurgency.

Reaksyon ito ni Pangilinan kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na deklarasyon ng Martial Law kapag hindi itinigil ng New People’s Army (NPA) ang pag-atake sa mga sundalo at pulis at sa mga naghahatid ng tulong.

Ipinaalala ni Pangilinan na kahit sa ilalim ng administrasyong marcos ay hindi natuldukan ng Martial Law ang insurgency kaya tiyak na hindi rin ito uubra sa ngayon.

Giit ni Pangilinan, ang hinahanap na aksyon ng taumbayan ngayon sa gobyerno ay ang tulong para sa mga may sakit, nagugutom, walang trabaho, sa malaking lugi ng mga maliliit na negosyo at ang suporta at mga gamit para sa mga health workers.

Mungkahi ni Pangilinan, sa halip na magdeklara ng Martial Law ay mainam na maglatag ng malawakang public health strategy tulad ng ginawa ng Taiwan, South Korea at Vietnam para masugpo ang nakakamatay na virus.

Facebook Comments