Pagtutok sa kapakanan ng 4 na Filipino seafarers na sakay ng barkong hinarang ng Iranian Navy, tiniyak ng Iranian Ambassador

Tiniyak ni Iranian Ambassador Yousef Esmaeil Zadeh ang pagtutok sa kapakanan ng apat na Filipino seafarers na kabilang sa mga crew ng MSC Aries na hinarang ng Iranian Navy sa Strait of Hormuz noong April 14.

Ang nabanggit na committment ay nakuha ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Party-list Representative Ron Salo sa pakikipagpulong niya kay Iranian Ambassador Zadeh bilang suporta sa mga hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Sabi ni Salo, sa kanilang pulong ay binigyang diin ni Ambassador Zadeh ang magandang relasyon ng Pilipinas at Iran.


Binanggit ni Salo na mayroon na ring inilagay na pasilidad ang Iranian government para makausap ng apat nating kababayan ang kanilang pamilya.

Ayon kay Salo, nangako rin ang Iranian Ambassador na agad nilang aasikasuhin sakaling hilingin ng apat na tripulanteng Pinoy na makauwi sa ating bansa.

Facebook Comments