Pagtutok sa maraming problema, mas dapat iprayoridad sa halip na atupagin ang pagpapalit sa pangalan ng DOH

Tinabla ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang ideya na palitan ang pangalan ng Department of Health (DOH) para gawing Department of Health and Wellness.

Sabi ni Garin, okay lang palitan ang pangalan ng DOH kung magkakaroon ito ng malaking epekto sa kalusugan ng mamamayan.

Ipinunto ni Garin na walang maidudulot na pagbabago kung papalitan ang pangalan ng DOH dahil ang wellness ay bahagi naman talaga ng health.


Binigyang-diin ni Garin, na maraming malaking problema ang DOH na mas dapat bigyan ng atensyon.

Iginiit pa ni Garin na hindi rin praktikal ang naturang plano na mangangailangan ng malaking pondo tulad sa pagpapalit ng logo mula sa central office hanggang sa lahat ng ospital sa buong bansa at pinakamababang health units ng gobyerno.

Facebook Comments