Umapela si Senator Bong Go sa lahat na tutukan ng mabuti ang rescue efforts para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses dahil importante na mailigtas ang buhay ng mga Pilipinong apektado ng kalamidad.
Sabi ni Go, sa layuning ito nakasandig ang deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na matiyak na handang magamit lahat ng assets ng gobyerno para masagip ang mga humihingi ng tulong.
Diin ni Go, habang hindi pa naisasabatas ang isinusulong niyang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) ay nagbigay na ng direktiba ang Pangulo na siguraduhing lahat ng ahensya ay well-coordinated at handang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado hanggang makabangon silang muli.
Ayon kay Go, ang mga Local Government Units (LGUs) ay nagsagawa naman ng preemptive evacuation at ang mga national agencies tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nag-preposition din ng mga relief goods at iba pang kailangan ng mga masasalanta ng bagyo.
Gayunpaman, iginiit ni Go na kailangan ng mas epektibong mekanismo para maging holistic, integrated, at streamlined ang ating disaster preparedness, response, recovery at rehabilitation efforts.