Pagtutol ng China sa nilagdaang Maritime Laws ng Pilipinas, hindi na ikinagulat ni PBBM

Hindi na ikinagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging reaksyon ng China kasunod ng pagkakapasa ng Philippine Maritime Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

Ito ang reaksyon ng Pangulo kasunod ng pagpapatawag ng China sa ambassador ng Pilipinas para ipahayag ang pagtutol nito sa dalawang Maritime Laws ng bansa.

Ayon sa Pangulo, kailangan magkaroon ng malinaw na depinisyon kung paano mapoprotektahan ang sovereign rights ng Pilipinas.


Nauna nang sinabi ng Pangulo na makatutulong ang mga batas na ito para mapalakas ang pagdepensa ng bansa sariling teritoryo.

Karapatan aniya ng mga Pilipino lalo na ng mga mangingisda na makapaglayag at makakuha ng mga yamang dagat sa sariling teritoryo nang malaya mula sa mga banta at pananakot.

Facebook Comments