Pagtutol ng Pilipinas sa ipinatutupad na fishing ban ng China sa South China Sea, sinuportahan ng Estados Unidos!

Sinuportahan ng Amerika ang Pilipinas sa pagkondena sa pagpapatupad ng China sa unilateral fishing ban sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Twitter post ni US State Department Spokesman Ned Price, iginiit nito na ang ipinatupad na unilateral fishing moratorium ng China sa WPS ay labag sa 2016 arbitral tribunal ruling at international law.

Aniya, nananawagan siya sa China na sumunod sa mga obligasyon nito batay sa international policies.


Matatandaan, ipinatawag ng Pilipinas ang mga Chinese diplomat kamakailan kasunod ng anunsyo hinggil sa unilateral fishing ban maging sa napaulat na harassment ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa naturang teritoryo.

Samantala, nakipagpulong naman kahapon si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu kung saan napag-usapan nila ang magandang ugnayan at kooperasyon ng PCG at ng Chinese Coast Guard.

Facebook Comments