Pagtutol sa mina, isa sa motibo sa pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Alameda – PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa motibo hinggil sa nangyaring pananambang at pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong Pebrero 9.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin, mariin kasing tinututulan ni Alameda ang matagal ng black sand mining operation sa Cagayan.

Samantala, sinabi pa ni Azurin na mayroon na ring persons of interest ang PNP kung saan kinukuhanan na ang mga ito ng panayam at affidavit.


Matatandaang maliban kay VM Alameda, patay rin sa ambush sina Alexander Agustin Delos Angeles, Alvin Dela Cruz Abel, Abraham dela Cruz Ramos, John Duane Banag Almeda, at Ismael Nanay.

Ang mga biktima ay lulan ng Starex patungo sa Maynila nang tambangan sila ng mga armadong kalalakihan.

Facebook Comments