Pagtutol sa SIM card registration, pinanindigan ng ACT Teachers Party-list

Nananatiling tutol ang ACT Teachers Party-list sa SIM registration kahit pinalawig ito ng 90 araw o hanggang July 25.

Giit ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang pagpaparehistro ng SIM cards ay invasion of privacy.

Paliwanag ni Castro, ang 90-day extension ay patunay rin na tutol sa pagpaparehistro ng SIM cards ang mahigit sa kalahati ng mga Pilipino.


Sa tingin ni Castro, mukha ring malaking pera ang mawawala sa gobyerno at telcos kaya in-extend nila ang SIM card registration kaysa agad na i-disconnect ang mga ito.

Facebook Comments