Pagtutuloy ng clearing operation, muling ipinaalala ng DILG sa mga LGU

 

 

Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) na hindi dapat itigil ang clearing operation kahit abala na ang lahat sa darating na pasko at bagong taon.

 

Ito ay matapos kwestiyunin ng isang grupo ang biglang pagtanggal ng clearing operations sa mga bangketa at kampanya para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

 

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, tuloy-tuloy pa rin ang clearing operations pero may mga LGU na ayaw talagang sumabay sa christmas rush.


 

Kasabay nito, tiniyak naman ni malaya na sa Enero sa susunod na taon ay maglalabas na sila ng panibagong memorandum na mag-uutos sa mga LGU na paigtingin pa ang paglilinis ng mga obstruction alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments