PAGTUTULUNGAN | Kultura ng barangayan sa SK at Barangay Election, dapat buhayin

Manila, Philippines – Hinimok ng isang Obispo ang mga botante sa idaraos na Barangay at SK Election na buhayin ang kultura ng barangayan o ang pagtutulungan ng komunidad.

Ginawa ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mensahe ng kaugnay sa nakatakdang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan at Barangay Elections sa ika-14 ng Mayo.

Ang mahalaga, aniya ay mamayani ang tunay na pag-alala.


Sinabi ng Obispo na hindi dapat mawala ang kahulugan ng Barangay na pagtutulungan lalo at nasa iisang komunidad lamang ang mga botante.

Panawagan din ng Obispo sa mga botante at kandidato na panatilihin ang katiwasayan sa halalan at iwaksi ang karahasan.

Iginiit ng Obispo na iwasan ang mga pandaraya, pananakot at pagpaslang sa halip ay umiral ang patas na halalan na mailuklok ang kagustuhan ng mga tao na makakapagbigay ng tunay na serbisyo sa publiko.

Layunin ng halalan na punan ang 900 libong posisyon ng higit sa 42 libong barangay sa buong bansa.

Facebook Comments