Pagtutulungan ng lahat ng kinauukulang ahensya, susi sa pagkamit sa mapayapang BSKE 2023

Dahil sa collaborative efforts ng iba’t ibang partner agencies kaya naging generally peaceful ang Barangay at SK Elections sa Visayas region.

Ayon kay Philippine Army Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, resulta ito ng mga kongkretong hakbang na ipinatupad ng militar, Commission on Elections (COMELEC), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak ang maayos na halalan.

Bunsod nito, kinilala ni Arevalo ang lahat ng mga nabanggit na sangay ng pamahalaan na bumuo ng mga epektibong election rules and regulations.


Snappy salute din, ang binigay ni Arevalo sa mga tropa ng pamahalaan, mga guro, mga tauhan ng COMELEC, PNP at PCG dahil sa ipinakitang highest standard of professionalism sa katatapos lamang na BSKE 2023.

Facebook Comments