Labis na ikinakabahala ni Senator Christopher “Bong” Go ang tumataas na kaso ng dengue sa karamihan ng mga rehiyon sa buong bansa.
Dahil dito ay nananawagan si Go sa Department of Health, Local Government Units, pribadong sektor, at bawat komunidad na magtulong tulong para malabanan ang dengue.
Sabi ni Go, dapat ngayong puspusang ipatupad ang mga estratehiya laban sa dengue tulad ng pagsira sa mga lugar na binabahayan ng lamok na naghahatid ng naturang sakit.
Binanggit din ni Go ang pagsasagawa ng fogging o spraying sa mga lugar na dumarami ang dinadapuan ng dengue.
Pinapayuhan naman ni Go ang publiko na protektahan ang sarili laban sa dengue sa pamamagitan ng pagsusuot ng pantalon at long sleeved shirts, paggamit ng mosquito repellent at agad na pagkonsulta sa doktor.
Diin ni Go, kailangang tutukan din ang dengue upang hindi madagdagan ang hirap na dulot ng COVID-19 pandemic.