Pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno kaugnay sa problema sa POGO, napapanahon na – DOJ

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na dapat magkaroon ng whole-of-government approach kaugnay sa isyu ng Philippine Offshore and Gaming Operator o POGO industry.

Kasunod ito ng mga serye ng ginagawang raid sa iba’t ibang POGO hubs na sangkot sa mga iligal na aktibidad gaya ng human trafficking, prostitution, kidnapping at cyberscams.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, panahon na para seryosohin ng pamahalaan ang positibo at negatibong epekto nito hindi lamang sa mga komunidad kundi sa buong bansa.


Kasabay nito, tiniyak naman ng DOJ na ginagawa nila ang lahat para masugpo ang problema sa mga iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga POGO.

Nagpaalala naman si Vasquez sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga POGO na isang pribilehiyo ang kanilang pananatili sa bansa kaya’t nararapat lamang na sundin nila kung ano ang batas ng Pilipinas.

Facebook Comments