Nagsimula na ang pagpupulong ng Pilipinas at India hinggil sa paghahanda para sa post-COVID world.
Kasabay ito ng pagbisita sa bansa ni Indian Minister of External Affairs Dr. Subrahmanyam Jaishankar kung saan nagkaroon sila ng pagpupulong ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr.
Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ng Pilipinas si Minister Jaishankar.
Pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang hinggil sa lalo pang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at India.
Ito ay lalo nat 1,300 na mga Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan ngayon sa India at 120,000 Indian nationals naman ang naninirahan na ngayon sa Pilipinas.
Facebook Comments