Pagtutulungan para makamit ang zero casualty sa anumang kalamidad binigyang diin ng OCD ngayong pasko

Ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang Pasko nagpapasalamat si Office of Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno sa bawat Pilipino dahil sa ipinamalas na katatagan dahil ngayong taon ay muli tayong nasubok bunsod narin ng magkakasunod na bagyo at sa kamakailang pagsabog ng bulkang Kanlaon.

Ayon kay Usec. Nepomuceno, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga kasamahan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at sa Local Government Units (LGUs) dahil sa kanilang walang kapagurang aksiyon para mailigtas mula sa panganib ang kanilang mga nasasakupan.

Aniya, mahalaga ang pagkakaisa upang makamit ang zero casualty sa bawat kalamidad na tatama sa bansa.


Sinabi pa ni Nepomuceno na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lamang sa pagbibigay, kundi sa pagmamalasakit at pag-asa para sa mas maganda at ligtas na hinaharap.

Facebook Comments