Pagtutulungan para sa kapakanan ng mamamayan at pag-unlad ng ekonomiya, panawagan ng dalawang kongresista

Nanawagan sina Camarines Sur Representative LRay Villafuerte at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel sa lahat ng sektor na tumulong sa administrasyon na madala ang ekonomiya ng bansa sa bagong panahon ng pag-unlad.

Nakakalungkot para kay Villafuerte, ang pagsusulong ng ilang sektor ng mapanirang uri ng pamumulitika na umaagaw sa atensyon na dapat ituon ng gobyerno sa problema ng bansa gaya ang mataas na presyo ng produktong petrolyo at ang epekto nito sa ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Villafuerte na mayroong mga bagay na hindi kontrolado ng gobyerno na siyang nagpapataas sa presyo ng produktong petrolyo na nagtutulak naman ng pagtaas sa presyo ng iba pang bilihin pero may mga hakbang namang ginagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makabubuting suportahan ng lahat.


Dismayado naman si Pimentel na matapos mapag-isa ng kasalukuyang administrasyon ang bansa upang suportahan ang mga prayoridad na programa nito ay mayroong mga sektor na hindi nasisiyahan ang nagbabato ng mga walang basehang alegasyon para papangitin ang imahe ng pangulo at mga kaalyado nito.

Umaasa si Pimentel na katulad ng suporta ng liderato ng Kamara o ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ay suportahan din ng ibang sektor ang pagsisikap ng gobyerno na protektahan ang purchasing power pamilyang Pilipino, lumikha ng trabaho at tulungan ang mga mahihirap nating kababayan.

Facebook Comments