Pagtuturo ng Economics at Personal Finance course’ sa lahat ng mag-aaral, isinulong ng isang Senador

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang ituro sa lahat ng antas ng paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo, ang wastong pag-gamit ng salapi o ang subject na Economics and Personal Finance.

Nakapaloob ito sa Senate Bill 1192 o ang “Economics and Financial Literacy Curriculum Act of 2019” na inihain ni Gatchalian.

Layunin ng hakbang ni gatchalian na matulungan ang mga mag-aaral na mai-angat ang antas ng kanilang financial literacy o sapat na kaalaman sa tamang paggamit ng salapi.


Sa elementarya, ilan sa mga pag-aaralan ang pag-iipon, paghahanda ng budget at tamang pagpapasya sa mga gastusin.

Sa high school naman at kolehiyo ay tatalakayin ang mga mas komplikadong usapin tulad ng credit, investments, mortgages at yung tinatawag na retirement planning.

Paliwanag ni Gatchalian, halos labing walong (18) taon o higit pa ang ginugugol ng mga bata para sa pag-aaral, ngunit nagtatapos silang kapos ang kaalaman sa tamang paggamit ng pera o salapi kaya palagi silang kapos may trabaho at sumuweldo na.

Ang hakbang ni Gatchalian, ay tugon sa resulta ng Global Financial Literacy survey na isinigawa ng kumpanyang Standard & Poor’s na nagsasabing 25 porsiyento lamang ng mga pinoy ang matuturing na financially literate.

Facebook Comments