Manila, Philippines – Iginiit ng isang mambabatas na napapanahon na muling buhayin ang pagtuturo sa mga kabataan ng Good Manners and Right Conduct o GMRC sa mga paaralan, tahanan, maging sa mga lansangan at sa paggamit ng social media.
Hiniling din ng Kamara na ituro sa mga kabataan ang kahalagahan sa pagsunod sa batas.
Ayon kay 1-ANG EDUKASYON Partylist Rep. Salvador Belaro, dapat na magsilbing modelo ng mga kabataan ang mga myembro ng academe at professional organizations sa pamamagitan ng pagtuturo ng basic standards ng magandang asal at pakikitungo sa kapwa.
Aniya, unti-unti na umanong nawawala ang mabuting asal dahil sa pag-usbong ng internet at mga fake news.
Kaugnay dito ay hiniling din ng mambabatas ang pag-apruba sa House Bill 6705 o panukala para sa GMRC, House Bill 4248 o Social Media Ethics Act at House Bill 4247 o Road Courtesy and Appropriate Street Behavior Act.