Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na maisama sa curriculum ng K-12 Program ang substance abuse prevention and education.
Sa inihaing panukala, ay partikular na tinukoy ni Dela Rosa ang grade 4 sa nais niyang maturuan ng epekto ng ilegal na droga.
Ikinatwiran ni Dela Rosa na mahalagang mamulat agad ang mga kabataan sa masamang epekto ng ilegal na droga.
Ipinaliwanag ni Dela Rosa na maraming kabataan ang lulong sa ipinagbabawal na gamot at mapipigil lamang ito kung may sapat na edukasyon ang mga mag-aaral.
Ayon kay Dela Rosa ang maagang awareness ng mga kabataan kontra droga ay makatutulong para magtagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.
Facebook Comments