Pagtuturo ng masustansya, mura at masarap na pagkain, bahagi ng ipatutupad na food stamp program

Magiging parte ng ipatutupad na food stamp program ng gobyerno ang health literacy at behavioral change.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian na gusto nilang baguhin ang maling konsepto na kapag mura ay hindi masustansya at hindi masarap ang pagkain.

Batay aniya sa ilalim ng programa, tuturuan rin ang mga benepisyaryo sa tulong ng Food and Nutrition Research Institute at pribadong sektor na magluto para sa pamilya ng lima ng masustansiya, mura at masarap na pagkain.


Sinabi rin ni Gatchalian na dadagdagan ang mga Kadiwa na gagawing bagsakan ng produkto ng mga magsasaka para tangkilin ito ng mga benepisyaryo.

Sinegundahan ito ni Health Sec. Ted Herbosa lalo’t ayaw raw ng mahihirap sa gulay dahil ang gustong kainin ay iyong binibili ng mayayaman sa fast food na hindi naman masustansya.

Giit nito, wala dapat nabubulok na mga aning gulay ng mga magsasaka dahil ito ang masustansyang mga pagkain na kailangan ng mga tao.

Facebook Comments