Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay incoming Education Secretary na ituro ang Philippine History sa mga kabataan.
Sa ambush interview sa Sulu, sinabi ng pangulo na isa ito sa mga napag-usapan nila ni Angara matapos ianunsyo ng pangulo ang pagiging kalihim nito ng Department of Education o DepEd.
Nakikita aniya kasi ng pangulo ang libro ng kaniyang mga anak at napansin niyang kakaunti lamang ang nakasaad dito tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Marcos, importante aniyang ituro ito para maintindihan ng mga kabataan ang kanilang kultura at pinagmulan.
Mahalaga rin aniya na alam ng mga bata ang mga pinagdaan ng bansa at ng mga ninuno nito para maintindihan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Pilipino.
Facebook Comments