Pagtuturok ng 1st booster shot sa mga batang immunocompromised na edad 12-17 years old umarangkada na ngayong araw

Nag-umpisa na ngayong araw ang pagtuturok ng booster dose sa mga batang immunocompromised na may edad 12-17 years old.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na inuna muna ng Health Technology Assessment Council na mabigyan ng rekomendasyon na maturukan ng booster shot ang mga batang immunocompromised upang maiwasan ang kalituhan.

Ani Cabotaje, 28 araw ang kinakailangang interval mula nang maturukan ng 2nd dose.


Samantala para naman sa healthy 12-17 years old, limang buwan ang kinakailangang pagitan mula nang makatanggap sila ng 2nd dose.

Ayon pa kay Cabotaje, Pfizer lamang ang bakunang maaaring iturok para sa nasabing age group.

Dalhin lamang aniya ang vaccination card, medical certificate, child at parent o guardian consent para mabakunahan na ng booster ang immunocompromised na mga bata na may edad 12-17 years old at ito ay gagawin lamang sa ilang piling ospital.

Facebook Comments