Pagtuturok ng 4th dose sa Israel, pinag-aaralan na

Pinag-uusapan na ng Israeli government ang pagbibigay ng 4th dose sa kanilang mamamayan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na ngayong linggo ay muling magpupulong ang mga eksperto upang talakayin ang nasabing usapin.

Pero kanila nang kinokonsidera ang pagbibigay ng 4th dose lalo na’t may nakapasok na ring COVID-19 Omicron variant sa Israel.


Sa ngayon nasa higit 6 milyon na ang mga fully vaccinated sa Israel at higit 4 milyon na rin ang nabigyan ng booster o 3rd dose.

Ang mga Pilipino aniyang naninirahan at nagtatrabaho roon ay pawang mga fully vaccinated na rin.

Facebook Comments