Pagtuturok ng AstraZeneca sa essential workers sa A4 group, hindi pinapayagan sa ilalim ng COVAX rules ayon sa Malacañang

Iginiit ng Malacañang na hindi basta-basta maaaring gamitin ng pamahalaan ang AstraZeneca COVID-19 vaccine sa essential workers na nakalista sa ilalim ng A4 priority group

Katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging paglabag ito sa kondisyong itinakda ng COVAX Facility.

Ang mga bakuna na ibinigay ng COVAX ay ibibigay sa A1 hanggang A3, at A5 priority group.


Plano ng pamahalaan na simulan ang vaccination program sa A4 hanggang A5 groups simula sa Hunyo.

Facebook Comments